"... Una pasok ko sa Knights* nakita ko masaya sila... At sa pagpapakilala ko itinanong kung ano ang adhikain kung bakit ako nagKnights, upang maging isang tapat na lingkod ng Diyos. Noong dumating ang investiture** namin masaya kami lahat... kasi tunay na kaming Knights Of The Altar at ang aming sutana ay binasbasan. Sinuportahan ako ng Mama ko noon ang tawag sa amin ay Junior Knights***... noong ako ay kabilang na ako sa Senior Knights**** nakatulong ito upang mapili ako na gumanap na Jesus sa drama, pari at marami pang iba. Noong nagpalabas at ipakita namin ang aming talento sa pamamagitan ng drama. At ako nagdayalog ng, Kung walang Knights Of The Altar papaano na ang pari? marami ang nanood na kapwa namin estudyante, maga pari, at mga guro. Natawa sila dito sa parte ng palabas. Nakuha namin ang 1st prize dahil pala contest yun at ginalingan namin. Nag-outing kami sa Domortis, La Union pumunta kami doon at nagrecollection. Ngayon nasa ikatlong taon na ako sa sekondarya nahalal akong P.R.O. bilang officer gagampanan ko ito ng mabuti. Limang taon na akong naglilingkod... sa isip, sa puso at sa gawa. Sana marami pa na knight na tumagal at maging tapat sa paglilingkod. At kahit may problema huwag nyong hayaan na maging hadlang ito. Magdasal at harapin upang maging matatag. Lahat ng karanasan kong ito ay tatandaan at di ko kalilimutan magpakailanman. Sarap maging isang Knights yan ang iisipin nyo parati."

Deo Eclarino


"To be with God, and to serve with all my heart, ito ang pananaw ko ng sumali ako ng Knights of The Altar. Alam ko na may kaakibat itong malaking responsiblidad. Sa aking pag-iisip, kilos at pananalita dapat maipakita ko na ako ay isang sakristan. Bawat isa sa amin ay magkakabarkada; nagtutulungan, nagdadamayan at nagtatawanan kapag kami ay magkakasama. Kami ay nagkakaisa sa paglilingkod sa Panginoon. Isa sa hindi ko malilimutan na sandali noong magserve ako ng High Mass*****. Ewan ko ba sari-sari ang nararamdaman ko, may kaba, may saya, may takot, may pagmamalaki habang ako ay nagseserve ng misa. Naisip ko rin sa pagseserve ay marami akong natutuha. Itinuturing ko ang simbahan na aking tahanan. Ang mga kapatid ko ay tuald ko rin Sakristan. Maraming pagkakataon na nasubok ang aming samahan tulad ng pumunta kami sa La Union binisita namin ang Benedictine Sisters. Nakita namin kung papaano mamuhay ang mga madre. Napagtanto namin ang pagmamadre ay pala ay di madaling gawain tulad din pagpapari. Mayroon silang sinusunod na batas at gawain na dapat nilang gawin sa pang-araw-araw. Nagkaroon kami ng recollection si Sister Jerome ang nagrecollect. Napakaganda ng paliwanag niya sa pagiging sakristan sa amin. Tinanong niya kung bakit kami nagsakristan at kung ano ang gawain, papaano maging isang tunay na sakristan. Lahat ng kasama ko ay taos pusong nakikinig. Marami akong natutunan. Hindi lang pala dumalo ka sa meeting ay matatawag ka ng sakristan . Matatawag ka lang na Lingkod Sa Altar pag-ikaw ay nainvest na. Karinawang nagaganap ang investiture tuwing ikatlong linggo ng Nobyembre pagsapit ng Christ The King. Dito nanunumpa at benibendisyunan ng Pari para maging isang tunay na Lingkod ng Altar. Nang ako'y mainvest abot sa langit ang aking kasiyahan sabi ko sa sarili ko, Ngayon isa na akong ganap At ganap na Lingkod Sa Altar. Marami pa akong mahaharap na pagsubok bilang isang sakristan at pagiging tao. Alam ko sa tulong ng ating Panginoon malalampasan ko iyon ng boung tapang at haharapin... Sa ngayon, Vice-President ako ng Knights Of The Altar at tatlong taon na ako nagsisibi dito sa Parokya ni San Miguel Arkanghel. Maraming Salamat po! "

Herrand E. Holgado


" Tawagin nyo na lang po ako sa pangalang Neth. Ako ay 13 taong gulang. Nagsimula akong maging sakristan noong inanyayahan ako ng auntie ko... Noon una ay ayaw ko kasi dagdag sa mga gawain. Tapos pinilit ako ng hangang ipinagpagawa ako ng sutana. Grade six ako, Sabado ng gabi first time kong magserve, siyempre kinakabahan at inatasan akong magbell bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa puso ko sa sobrang kaba at sa awa ng Panginoong Diyos hindi niya ako pinabayaan bigyan niya ako ng lakas may nagpaalala sa akin na hindi naman sa iba ako naglilingkod kundi sa ating Panginoon Diyos lamang. Masaya ang maging isang sakristan dahil kapiling mo ang Diyos sa pagseserve at sa bawat sandali ng aking buhay. Masaya dahil may kaibigan ako na alam ko na sila ay mabubuting kalooban."
"Ang makapaglingkod at mapalapit sa Diyos, hangarin ng bawat isa ng mga nagsisilbi sa simbahan. Alam nyo po sa tuwing ako po ay magseserve mayroon lang akong dalawang hinihiling sa ating Panginoon Diyos na gabayan nya ang aking magulang at kapatid, at pagbibigay ng biyaya sa amin sa araw-araw na pamumuhay. Ako po ay nagpapasalamat dahil alam ko na ang ating Panginoon Diyos ay nariyan at hindi tayo papabayaan."

Kenneth Escusa Meredor


"Noong ako ay bata pa gusto ko nang maging isang Sakristan. Ako ay nagsakristan para pagsilbihan ang Diyos at ang mga taong na nanampalaya. Noong pumasok ako bilang sakristan niluluko ako ng aking kaibigan, sabi nila hindi na gagawa ng kalokohan yan. Pero para sa akin parang nagiging totoo ang sinasabi nila kong nalalaman ko kung tama o mali ang gawain ko ang gawain ko, iniiwasan at hindi na ako gumagawa ng kalokohan sa aming classroom. Ang isang sakristan ay dapat katulad ni Jesus yan ang laging nasa isip ko. Ang isang masaya pa bilang sakristan ay ang pagseserve sa mga mass. Simula ng ako'y magserve nalaman ko na lahat ang parte ng misa at gamit sa simbahan. Noong unang serve ko hindi ko alam ang gagawin ko. Nahihiya nga ako sa kasama ko kasi kasi di ko alam at sinikap kung matuto. Ngayon masayang-masaya ako ako naging tagapalingkod at isang tagasunod ni Jesus. Maganda ang pinatutunguhan ng buhay ko ngayon at ako'y masayang-masaya."

Joseph M. Alviz


"Nang ako ay K.O.A. naranasan ko ang iba't-ibang kasiyahan at pagsubok. Ang saya ng buhay noon kainan o may beach pero pumasok naman ako bilang isang Knights Of The Altar dahil nais kong magsilbi sa Diyos at hindi dahil sa chibug."

Alexander Maybituin


"Maraming paraan upang makapaglingkod sa Panginoon. Ang paglilingkod ay isang mabuting gawain lao na sa Panginoon. Kahit na sa munting paraan. Isa na rito ang pagiging sakristan. Sabi nila masaya raw ang maging isang sakristan, magkakaroon ka ng maraming kaibigan at makikilalang mga tao. Noong nagsisimula akong maging sakristan, nang yayain ako ng aking kaklase noong una nagdadalawang isip ngunit ipinagpasya ko na ring sumama. Inisip ko na ito ang paraan ko upang makapaglingkod sa Panginoon. Masasabi ko na ang grupo ng pagiging sakristan ay may kasiyahan at may kahalong kaba.
Noong una akong nagserve kasama ko ang kaklase ko parati akong nagtatanong sa kanila. Kung ano ang susunod na gagawin. Ipinapalangin ko sa Panginoon na huwag akong magkamali sa harap ng maraming tao.
Pinili ko ang maging isang sakristan dahil ito'y aking kagustuhan. Walang sinuman nagtulak sa akin na gawin ito. Ito'y malaking hamon sa amin/akin. Sana'y gabayan ako/kami ng Panginoon. Sana'y mabukasan ang isip iba na kaming mga sakristan ay mayayabang at nagpapasikat lamang kami sa harap ng altar.
Isa masayang sandali ng mga buhay ng mga sakristan ay ang activites na parati ginagawa taun-taon. Sana'y sa bawat pagsubok na haharapin namin ay bigyan kami ng tatag at lakas ng loob. Sana'y hindi kami malayo sa Panginoon. Sana'y bigyan kami ng tamang pag-iisip upang iwasan ang masasamang gawain tulad ng pagbibisyo. Sana'y maging modelo kami sa lahat. Ito ang pinapalangin sa Panginoon."

Michael Maya


"Ako'y sumali sa Sakristan noong 1999 Grade VI pa lang ako nanghikayatin ako ng aming kapitbahay na sumama sa Minister of the Knights Of The Altar. Noong sasali na ako itinanong ko sa kanya kung may dapat bang sagutin. Noong sumapi ako meron akong nakita na kaklase ko sabay kaming sumali noon. Nang dumating ang araw ako'y itatalaga bilang isang Lingkod Sa Altar naging masaya ako dahil ako'y makapagseserve na. Ang buhay ng isang sakristan ay masaya, nakakakaba, malungkot, at marami pang feelings na mararamdam mo. Dahil masaya dahil marami kang nakakasalamuha, hindi nakakabagot dahil maraming activites pagsumali ka sa Knights dahil nakakapaglingkod ka sa Diyos at nakakapagsilbi sa pagmisa ng pari. Lalong masaya kapag sinabi na magkakaroon kami ng outing.
Kung minsan ang pagiging sakristan ay maykahalong tukso ng kaklase sasabihin sa yo "banal na bata". Pero ako'y natutuwa sa mga maraming tao nakakaunawa sa aking ginagampanan. Kung ikaw ay sasama ay marami ka rin mararanasan sa pagiging Knights."

Dennis F. Medlario


"Ang buhay ng isang Knights ay isang magandang halimbawa sa mga hindi nagsisimba dahil sa kagustuhan nilang maging iang Knights naiiwasan nilang mapabarkada sa masama. Nag-umpisa ako ng pagtatanong sa akin ina kung paano makasama sa Knights at sabi niaya sa akin hindi niya alam. At noong nakita ko ang mga Knights Of The Altar na kaklase ko naiganyo ako. Kaya tinanong ko rin ko sa kanila kung papaano pumasok. Tuwing sabado ay meeting kami noong elementarya pa lang ako. Nagulat ako ng papuntahin ako sa harap pagkatapos magdasal. Nagpakilala ako at tinanong kung sino ang magulang ko, saan ako nakatira, nag-aaral at iba pa. Doon na nagsimula ang pagiging miyembro ko bilang Knights Of The Altar."

Nino Macaraeg


"Second Year ako noon ng hikayatin ako ng isa kung kaklase na sumama sa K.O.A. Pinasok ko ito dahil alam ko na mapapalapit ako sa Diyos. Ang pagiging K.O.A. ay nakakatuwa, nakakaiwas sa gulo at nagiging masaya dahil sa aking mga kaibigan."

Frederick Agui


"Ako ay nagsimulang magsilbi sa simbahan bilang Knights Of The Altar ng nasa Grade 4 pa lamang ako. Noong una ay akala ko hindi ko kaya dahil nahihiya pa akong sa harap ng simbahan. Noong unang serve ko ay Sabado ng gabi masyado akong excited 5:30 pa lamang naroon na ako sa tapat ng simbahan. Masaya at nagkakasundo kaming lahat. Noon unang outing naman nakasama ako doon sa beach sa Sabang. Naalala ko pa na noong naglalakad kami papalabas sa National Road dahil hindi dumating yun susundo sa amin. Paminsan-minsan ay malungkot rin kapag napagsasabihan kapag kami ay nagkakamali. Nang kami ay high school na ipinagpatuloy namin ang aming palilingkod bilang K.O.A., naging mas masaya ang pakiramdam dahil mas marami kami. Tuwing sumasapit ang Disyembre ay nagseserve kami ng Simbang Gabi mahirap gumising ng maaga pero kapag nakapagserve ka na parang ang magaan ang pakiramdam. Nakagawian namin noon na pagkatapos ng simbang gabi nagpapalipas muna kami ng oras dahil hinihiram namin ang bola ni Father at nagbabasketball kami kahit madilim pa. Mas nadagdagan ang mga kaibigan ko. Mas nauunawaan ko na ngayon kung bakit maraming mga bata ang sumasama sa K.O.A."

Sedfrey Madridijo


"Hindi ko alam kong paano ako nangyari ng nakapasok sa pagiging Sakristan. Wala naman akong hilig sa pagsali sa mga katulad nito. Sa pagsisimba ko Lingo-lingo ng minsang yayain ako ng isa kong kaklase. Sabi ko sa kanya nahihiya ako parang ang hirap ng gawain pero ng sumunod na Linggo sinubukan ko at ang pakay ko lamang ay magpacute kaya sasama ako sa kanila. Ngunit ng magseserve na ako at ako ay nasa altar nawala sa isip ang magpapogi. Nakatuon ako sa Diyos at sa paglilingkod ang nasa isip ko. Masaya pala pakiramdam sana noon pa man ay sakristan na ako."

Julius Meredor


"Ang pagiging Knight Of The Altar ay hindi naging madali para sa akin na gampananan. Maraming pagsubok na pilit na humahadlang sa aking tungkulin tulad na lang ng hindi ako sana'y na magising ng maaga kaya minsan dumarating ako ng late. Ngunit lahat ng ito ay pilit kung nilalabanan para maging isang tunay at karapat-dapat na Knight Of The Altar. Inaalay ko lahat ng serbisyo sa ating Panginoon. Siya kasi ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin.
Noong bago pa lang ako ilang beses din ako nagkamali siyempre baguhan ka pa lang at nakakakaba pag nasa altar pero hindi ito naging dahilan ito para talikuran ko na ang pagiging Knights, pinag-aralan ko lahat ang aking gagawin upang sa susunod n amagseserve ako hindi na ako magkakamali
Masasabi ko na masarap maging isang Knights dahil alam ko na mapaglilingkuran mo ang Panginoon at mapapalapit ka sa kanya. Masasabi ko ring nabago ng pagiging isang Knights Of The Altar ang aking sarili kahit papaano ay medyo naging goodboy ako."

Medrix Alvin Albaniel


"Noong Grade Six ay bago pa lang ako nagsakristan ang meeting namin ay Sabado ng hapon. Simbang Gabi ng nagsimula akong nagserve bilang Knights Of The Altar. Ang buhay Sakristan ay masaya dahil malapit ka sa Diyos. Kapag may recollection may pinupuntahan lugar, nakakalibang tulad sa may tabing dagat doon ay tahimik, malalanghap ang sariwang hangin at masarap maligo."

Michael Sison


"Ang buhay ko bilang isang Sakristan ay masaya kasi nakapaglilingkod ako sa Diyos. Sa ganitong paraan na nakakatulong ako sa gawain sa simbahan at natutunan ko ang ilang bagay na dapat kong malaman. Kailangan ko rin na magsikap sa aking pag-aaral kaya't ang pagiging sakristan ay tunay na mahalaga sa akin. Nagiging masaya ako tuwing nasa altar at para akong isang munting pari. Minsan mahirap para sa akin ang gawain dahil nagagaling pa ako sa barrio. Marami akong natututunan tulad ng pagpapahalaga sa kapwa ko."

Gilbert Monsalud


"Marami akong masasayang karanasan bilang Altarboy. Siyam na taon gulang pa lamang ako noon Grade III kasama ko ang matatalik ko na kaibigan ng kami ay sumapi sa Knights Of The Altar. Si Sister Therista pa noon kung saan si Father Duffin pa nga ang nagtalaga bilang isang ganap na Lingkod Sa Altar. Marami akong nakilala bagong kaibigan na kasing edad ko, mga mas matanda sa amin na naging kuya namin, mga kasapi ng iba't ibang religious groups, maging mga pari at seminarista.
Isa sa hindi ko makakalimutan na karanasan ay Balikdalaw Seminaryo na kung saan ang mga Knights Of The Altar sa boung Diocese ay nagkakasama-sama para magpakitang gilas sa paglalaro, sining at nagtitipon-tipon sa isang malaking piging at nagdarasal. Nasundan pa ito ng isa pang Balikdalaw noong ako ay Grade VI ngunit noong huli taon 1998 na magkakaroon uli ng pagtitipon ay bumagyo. Nalungkot kami dahil sabik at nakapaghanda kami kasi tatlo hangang apat na taon bago ito muling masundan. Nagkakaron din kami ng Christmas Party at iba pang kasiyahan sa loob at labas ng parokya.
Nakakapagbigay inspirasyon sa amin ang iba't-ibang turo at kwento na ibinabahagi sa amin ng iba't ibang tao na tagapayo at nagbibigay sa amin ng recollection. Naging hilig ko ang magbasa ng mga aklat tungkol sa simbahan. Isang karangalan para sa aming mga Sakristan ang makilala ng mga Santo at Banal na tao tulad ni San Lorenzo Ruiz de Manila, Pedro Calungsod at marami pang iba pa tao. Santo, Pope, Obispo, pari at mga sibilyan na nagpakabanal at nagsisilbi sa ating pangioon at marami sa kanila ay tulad namin naging kaisa namin. Sa ating parokya sinong hindi makilala kay Ka Noli, isang Lay Minister na patuloy na nagsisilbi sa ating Panginoon. Noong kabataan niya ay naging sakristan.
Sa ngayon labindawa taon na akong naninilbihan at aktibo bilang Knights Of The Altar. Turing ko sa mga mas bata sa akin ay kapatid dahil alam ko na ang magmalasakit sa kanila ay tulad din nila na nararamdadam. Ang puso, pagkatao at pananampalataya ko ay nahubog ng grupo kaya maraming bagay at nakagawian ang akin din ibinabahagi sa iba pang tao. Alam ko na marami pagsubok rin ang darating sa aming sakristan at pinipilit namin itong harapin at labanan ngunit kami din ay nagkakamali dahil kami ay tao lamang. Ang makapaglingkod sa Diyos at makatulong sa gawain ng simbahan kaya ako ay nanatiling isang Knights Of The Altar."

Matt M. Bonifacio


*       karaniwang tawag sa Knights Of The Altar (KOA, KOTA, Knights, "munting pari", Sakristan, Altarboys at iba pa).
**     investiture - Pagtatalaga ng Lingkod Sa Altar
***   Junior Knights - mga Lingkod Sa Altar na mag-aaral sa elementarya
****  Senior Knights - mga Lingkod Sa Altar na mag-aaral sa sekondarya
***** High Mass - may isang ispesyal na okasyon sa misa gaganapin karaniwang pinangungunahan ng Obispo at mga pari.
        Para sa isang Knights Of The Altar napakagandang regalo at karangalan ang makapagsilbi dito.
 
"ang mga sulat na ito ay ginawa taong 2002"